header image
Home arrow FAQs arrow E-News arrow Parangal sa mga Volunteers
Parangal sa mga Volunteers PDF Print E-mail
Jun 06, 2007 at 12:00 AM
Dahil sa kabayanihan ng mga Balik-Ilaw volunteers, pinarangalan ng NEA ang AKELCO kasama ng pitumpu’t tatlong ( 73 ) electric cooperatives na naging bahagi ng TASK FORCE KAPATID noong ika-31 ng Enero sa Recognition Ceremony sa HESA, NEA hall, Quezon City.
Pinangunahan ni Board of Director President Augusto C. Tolentino at OIC-General Manager Engr. Ricardo I. Ileto ang pamunuan ng AKELCO upang tanggapin ang nasabing parangal. Kasama rin si Melvin Torres (foreman), malugod nilang tinanggap ang Plaque of Commendation at medalya mula kay Department of Energy Sec. Raphael Lotilla, Fr. Francisco Silva, Presidential Adviser on Rural Electrification, mga Board of Administrators ng NEA at mga opisyales nito.

Ang parangal na ito ay bilang pagpapahalaga sa malaking tulong ng mga linemen at engineers upang muling manumbalik ang power supply sa mga probinsya ng Albay at Sorsogon.

Ayon kay NEA Administrator, Edita S. Bueno, “ang pagbigay ng karangalang ito sa ating magigiting na balik-ilaw volunteers at mga electric cooperatives ay isang paraan ng pagpapasalamat at pagpapahalaga sa kanilang ginawang kabayanihan na tumugon sa programang ito.”

Ilan sa naitulong ng mga linemen at engineers ay ang pagsasagawa ng clearing operations, pole erection, hauling of poles, digging, konstruksyon ng may 12 kilometrong distribution lines sa bayan ng Malilipot, Albay at ang pag repair ng primary backbone lines ng Tabaco substation.
TASK FORCE KAPATID ay itinatag noong 2002 ni Fr. Francisco Silva, dating NEA Administrator. Ang AKELCO ang isa sa mga naunang electric cooperatives na natulungan nito. Ito ang nagsagawa ng rehabilitasyon at upgrading ng mga distribution lines sa islang Boracay noong Setyembre 2002.

Sa ngayon, ito ay Itinuturing nang isang Standard Operating Procedure ng NEA sa pakikipagtulungan ng National Transmission Corporation (TransCo) at National Power Corporation (NPC) sa mga electric cooperatives na nangangailan ng tulong teknikal at nawawalan ng suplay ng kuryente dahil sa pinsalang hatid ng bagyo at iba pang kalamidad.

Ang TASK FORCE KAPATID ay isang panata ng 119 electric cooperatives na handang magtulungan para lutasin ang mga problemang kinakaharap ng bawat isa hindi lamang sa mga kooperatibang sinalanta ng bagyo kundi higit sa misyon ng NEA na matupad ang total rural electrification sa buong bansa.
Last Updated ( Oct 31, 2007 at 06:19 PM )
<Previous   Next>
INFORMATION DISSEMINATION UKOL SA CONVERSION, PATULOY
Online Chat!
Online Chat Support
AKELCO Online Chat Center
Weather Forcast